Jenny Soriano

Samantala sa 南丹东路的房子

Aug
22

Samantala sa dakong dito…

katatapos lang naming maghapunan kasama ang ibang mga kaibigan dito sa tahanan ni Mikael. Nasa pangatlong linggo na naming tinatamasa ang masarap na lutong-bahay ng Chinese Ayi. Napag-isipan naming ibahagi ang malinamnam na mga putaheng inihahanda sa aming mesa tuwing Miyerkules at Linggo.

Pasensya mga kaibigan, sapagkat mabilis pa sa alas-kwatro ang pagkaubos ng pagkain kaya wala ng ebidensyang maibahagi dito sa pahinang ito. Iba talaga ang lutong-bahay. Humba, Bistek (Istilong Shanghai), Bola-Bola (Istilong Shanghai rin) at Ginisang Pechay. At syempre kanin.

Kelangan kong matulog nang maaga ngayun sapagkat iilang linggo (hindi araw ang bilangan nito kung mararapatin) ko ng nakasanayang matulog nang madaling araw na sa kadahilanang bakasyon pa kami dito.

sya sya.